Pu3s na buhay ‘to. Packing sheet talaga! Tangna. Nyeta. Bwisit. L*che.
Yan. Yan ang madalas na bukang bibig ng utak ko. Siguro kung may kaluluwa lang ang utak ko, malamang naunahan na nyan si Hitler sa impyerno. Sabi nila, marami dapat akong pinapasalamatan. Maraming biyaya. Di lang ako inuulan nito. Binabagyo pa. Andyan ang pamilya. Kaibigan. Trabaho. Datung. at walang katapusang oportunidad para maging kasing yaman ni Bill Gates.
Pero ang tanong: para sa kin ba talaga ang lahat ng ito? Bakit hindi ako masaya? Bakit mas marami ang iyak sa tawa? Bakit parang laging may kulang? Bakit parang ansarap nang bumigay? Bakit maraming wala? Bakit madaming tanong? Bakit walang sagot? Bakit bakit?
may sagot naman din pala. tutukain na ko diko pa nakita:
Sir Jimenez: malamang mababa ang serotonin levels mo.
Sister “Supervisor”: it’s because you’re a scattered brain. (arekup!)
Sam Milby: “you complete me!” centrum. Omeinom kha kheysi ng centrum eh.
Memeng: meow! (translation: oy bruha, penge pagkain!)
Satanas: dahil tulog na naman ang Diyos nyo. Akin na ang utak mo! Bawahaha!
Diyos: hoy never akong tulog. Ni siesta wala.
Iha… tao ka lang. Naiintindihan ko. Dahil nagpakatao din ako nun. Mahirap nga. As in! pero as the cliché goes: wala naman akong hahayaang pagsubok na di mo kakayanin.
Anak, bangon.
Masakit talaga. Pero kelangan kasi eh.
Konting tiis na lang.
Dito lang ako. Walang iwanan. pramis.
...
(@_@)"